Kartilya ng Katipunan
(The Katipunan Code of Conduct)

Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag (The life that is not consecrated to a lofty and reasonable purpose is a tree without a shade, if not a poisonous weed.)

Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan. (To do good for personal gain and not for its own sake is not virtue)

Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang pagibig sa kapua at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang Katuiran. (It is rational to be charitable and love one's fellow creature, and to adjust one's conduct, acts and words to what is in itself reasonable)

Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda…; ngunit di mahihigtan sa pagkatao. (Whether our skin be black or white, we are all born equal: superiority in knowledge, wealth and beauty are to be understood, but not superiority by nature)

Ang may mataas na kalooban inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.( The honorable person values integrity over personal gain; the dishonorable one values gain over integrity)

Sa taong may hiya, salita’y panunumpa. (To the honorable individual, his word is sacred.)

Huag mong sasayangin ang panahun; ang yamang nawala’y magyayaring magbalik; nguni’t panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan. Value of time. (Do not waste thy time: wealth can be recovered but not time lost.)

Ipagtanggol mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi. (Defend the oppressed and fight the oppressor before the law or in the field.)

Ang taong matalino’y ang may pagiingat sa bawat sasabihin, at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim. ( The prudent individual is sparing in words and faithful in keeping secrets.)

Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa’t mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng iaakay ay kasamaan din.  (On the thorny path of life, man is the guide of woman and the children, and if the guide leads to the precipice, those whom he guides will also go there)

Ang babai ay huag mong tignang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo ng buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhata’t nagiwi sa iyong kasangulan.  (Thou must not look upon woman as a mere plaything, but as a faithful companion who will share with thee the penalties of life; her (physical) weakness will increase thy interest in her and she will remind thee of the mother who bore thee and reared thee.)

Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huag mong gagawin sa asawa, anak, at kapatid ng iba. (What thou dost not desire done unto thy wife, children, brothers and sisters, that do not unto the wife, children, brothers and sisters of thy neighbor.)

Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangus ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Dios wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan. (A person’s worth is not measured by power, appearance, or social status not by being a ruler, having fair skin, or holding religious or political office. True worth lies in one’s character: doing good, keeping one’s word, living with dignity and honesty; refusing to oppress or be oppressed; and loving and serving one’s homeland, even if born in the margins and speaking only one’s native tongue.)

Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal na Kalayaan dito sa kaabaabang Sangkalupuan, at sabugan ng matamis  niyang liwanag ang nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng ligaya ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagud, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang natumbasan. Kung lahat ng ito’y mataruk na ng nagiibig pumasuk at inaakala niyang matutupad ang mga tutungkulin, maitatala ang kaniyang ninanasa sa kasunod nito. (When these rules of conduct shall be known to all, the longed-for sun of Liberty shall rise brilliant over this most unhappy portion of the globe and its rays shall diffuse everlasting joy among the confederated brethren of the same rays, the lives of those who have gone before, the fatigues and the well-paid sufferings will remain. If he who desires to enter (the Katipunan) has informed himself of all this and believes he will be able to perform what will be his duties, he may fill out the application for admission)


No comments:

Post a Comment